Home » Post Item » Kung Ikaw ay Nalulungkot

Kung Ikaw ay Nalulungkot

December 10, 2005
… nalulumbay, nabubugnot… huwag mag-alala. Nandito lang ako.

Kaya kong saluhin ang iyong mga hinanakit. Kaya kong kilalanin ang totoong ikaw.

Pero mali. Ang totoo ay GUSTO kong makilala ang totoong ikaw. Yung walang kaplastikan, walang kasinungalingan, walang maskara.

Huwag kang mag-alinlangan. Hindi ako tatakbo. Hindi ako matatakot. Hindi ako magpapadala sa mga sinasabi ng mga tao.

Ang gusto ko lang ay ang pawang katotohanan. Tungkol sa ‘yo, tungkol sa inyo, tungkol sa kanya, at higit sa lahat, tungkol sa atin. Alam mo kung sino ang "inyo" at "kanya". Alam kong marunong kang makiramdam, lalo na at ‘yan ang madalas na lumalabas sa iyong mga panghalik.

Tamang hindi ako makaiwas sa mga masasamang palaisipan. Ang hinihingi ko lamang ay ang sabihin mo ang pawang katotohanan sa iyong nakaraan. Isipin mo mang hindi ‘yon importante, mahalaga sa ‘kin yon. Alam ko kung saan ako lulugar sa iyong mundo.

Marami akong maibibigay. Marami akong gustong ibahagi sa iyo. Labis na pagmamahal ang ibig kong iparamdam.

Gusto kong malunod sa iyong mga mata.
Posted by franklee at 12:01 am | permalink

Previous Comments

uuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyy!

Posted by chard at December 10, 2005, 2:58 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment