Jologs Na Naman!
December 10, 2005May kaibigan ako. May kaibigan siya. Gusto daw niya na maging kami. Gusto ko rin naman. Pero ang kaibigan ko, gusto pa rin ako. Ang kaibigan niya gustong gusto siya.
Ngayon, jologs ‘to. Ang kaibigan ko at kaibigan niya, matalik na magkaibigan din. Bilog ang mundo noh?
Ang mga kaibigan namin ay parating nag-uusap. Marami silang mga paksang nabubuksan. Mga panloloko, pagseselos, pagbubuntong ng galit at sama ng loob. Nakakatakot at nakakapangilabot mang isipin, maaaring ayaw nilang pagsamahin kami ng gusto kong makatuluyan.
Ano ang gagawin? Tumawag ng Ghostbusters?
Previous Comments
hahahah. noh?? mura jud ug jologs na movie..
Posted by cath at December 13, 2005, 4:30 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





its like im watching a movie………
Posted by chard at December 10, 2005, 6:36 am